Hindi ako desperado sa attention and oras mo lol gets ko yugn situation hahah go lang pakasaya ka lang wala kong problema lol. Nakainis lng ung magoonline tapos isang meoji lng reply haha pota. Yun lang kinainis ko wag mong iano na parang kailangang kailangan ko ng attention mo lagi. Hell no. Not anymore noh. Im done with that phase.
Dito na lang ako magsasalita since di mo naman ako kayang pakinggan. Pagod na din akong maging mali lagi sayo. Di mo ma gets bakit mas feel kong hindi magmadali pauwi sa bahay niyo bukas. Alam mo kasi tuwing pupunta ko sa bahay niyo na nandun yung nanay mo, yung aso mo lang naman nakakausap ko una eh. Naghihintay pa ko ng halos isang oras na nakaupo katabi aso mo bago ka tumatabi talaga sakin. Ang tagal nung wasted time na nakaupo lang ako sa isang tabi. Kaya sorry kung sabi ko bakit tayo nagmamadali makauwi dahil gusto mo kamo sulitin time natin sa bahay niyo, eh dahil ganun din naman kasi talaga. Yung minamadali natin makauwi eh ang tagal ko din nakatunganga kaya mas sulitpa sakin na nasa labas tayo at least katabi talaga kita nahahawakan kita. Plus ramdam na ramdam kong ayaw naman sakin ng nanay mo. Palagi naman akong bumabati kapag napunta ako sa bahay niyo, napapansin ko di lang marinig yung bati ko madalas. Nakakahiya naman umulit ng “good morning po” diba? parang ang awkward naman nun diba dalawang beses ka mag ggoodmorning kase di ka sure kung narinig ka nung una. Sorry kung di ako maka get along sa nanay mo kaya siguro di niya ko gusto, mahiyain naman kasi talaga ako kapag hindi ako kinakausap, which is hindi nga niya ko kinakausap.. EVER. Mas kinakausap pa ko nung tatay mo.
“Alam mo lang puro dikit nakakaumay” …. okay.. sorry im just making up for the times kase na hindi tayo magkasama (once a week or every two weeks lng kasi tayo magkasama dba so gusto ko sana imake up ung time na hindi manlang kita mahawakan, na hanggnag video call lang kita nahahwakan) So sorry, sorry kung nakakaumay na puro dikit kamo ako. Or kung hndi man yun yung tinutukoy mong nakakaumay, sorry na din. Sorry na lang sa lahat since un naman nararamdaman ko lately.. na parang kailangan kong mag apologize sa lahat ng bagay sayo kase parang pakiramdam ko may mali akong nagagawa sayo lagi. Sabi mo iba ka na kasi ngayon mabilis ka na ma trigger magalit dahil sa dami ng problema mo. Alam ko naman, iniintindi ko naman sinusbukan ko naman na wag na nagsasalita pag may sama ng loob pero hindi naman kasi amdaling sarilihin na lang lahat noh, na magsorry na langg agad, sumurrender na lang agad kapag galit ka na..
Pero ayun… I love you naman.. kaya sige na lang, ako na lang mali, sorry na lang ulit agad.. pero wag mo naman dalasan yung pagiging mainitin ng ulo mo kase di naman ako strong na bawat inis mo keri ko lahat. Minsan sobra na din, na maliliit na bagay biglang galit ka na agad. Yes may problema ka mabigat mabigat loob mo alam ko pero ako ba magaan ba loob ko tuwing inaaway moko ? Hindi rin. Nakakapanghina din yung ganun ka palagi sakin. Tapos lagi mo pa kong pinupush away like maghanap na ko ng lalaki etc etc, tangina naman? Angkinin moko di yung ganun!
Hindi ako plastic dahil lang hindi ko na to masabi sayo. Totoo pa din naman lahat sinasabi saka pinapakita ko sayo eh. Di ko naman tinatago kpag naiinis ako, di ko na lang binbring up minsn para di na natin mapagusapan. Kaya ko lang to hindi na sinasabi sayo kase magagalit ka lang naman kokontrahin mo lang naman lahat ng nararamdaman ko dito, magagalit ka magaaway tayo gugulo nanaman tayo. Ayoko na nun ang hassle nun sa pakiramdam tas sorry pa ko ng sorry kung nagsasawa ka na marinig sorry ko, ako din nagsasawa na magsorry na hindi mo naman palagi tinatanggap kailangan ka pang suyuin kamo na wag kang titigilan. Willing naman ako suyuin ka sincere naman mga sorry ko pero diba nakakapagod din mareject paulit ulit.
SIge siguro naman kaya ka lang ganyan dba kasi may problema ka kamo? sating dalawa kahit ako yung mas mahina, ikaw yung may mas malaking dinadalang problema ngayon so dapat tanggapin ko na lng yugn situation and intindihin na lang kita. Sinusubukan ko kase iloveyou. Pero please, wag naman lagi..



